Pages

Saturday, June 19, 2010

WALK OF FAME

                                                            WALK OF FAME

Matagumpay na idinaos ang Walk of Fame sa Central Plaza ng Eastwood,
Libis, Quezon City na tinaguriang City of Stars. Dinaluhan ito ng mga maniningning na bituin ng pelikulang Pilipino na kinabibilangan ng higit
kumulang na 30 na tumanggap ng parangal ng gabing iyon na sina: KC Concepcion, Jose Marie Chan, Vice-Mayor Isko Moreno, Basil Valdez,
Nino Mulach, Jed Madela, Yul Servo, Armida Sigueon Reyna, Jolina Magdangal, Janno Gibbs, Jacklyn Jose, Ding-Dong Avansado, Jackie Lou Blanco, Ricky Davao, Ogie Alcasid, Apo Hiking Society, Luis Gonzales, Haji Alejandro, Christian Bautista, Cherry Pie Picache, Aiza Seguerra, Rey Valera, John Lloyd Cruz, Rico J. Puno, Nonito Donaire, at ang yumaong si Marky Cielo.

Binigyan kulay ang gabing iyon ng mga ibat-ibang artista na naghandog ng awitin na sina Christian Bautista, Lucky and Miko ng KABLOGG, Joshua Pineda na tinaguriang “Wonder Boy of Bacolod.”, at ang kaakit-akit na si Martha Joy na naging finalist sa CANADA GOT TALENT.

Makikita din ng gabing iyon sina Gabby Concepcion na todo suporta sa kanyang anak na si KC Concepcion, si Rachel Alejandro na nakita naming kumukuha ng litrato sa kanyang amang si Haji Alejandro, si Angelika Dela Cruz na sumabay sa paglalakad sa kanyang kabiyak na si DingDong Avansado, si Carlo Orosa na tumatayong manager ni Christian Bautista at si John Nite na nagsilbing host ng gabing iyon.

Ang Walk of Fame Philippines, sa kanyang ika-apat na taon ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pangunahing star discoverer sa ating bansa, na walang iba kundi si kuya German (Germs) Moreno. Ito ay nagsimula ng siya ay dumalaw sa Hollywood at kanyang nakita doon ang mga pangalan ng mga banyagang artista na nakaukit sa bato, na naging inspirasyon niya upang simulan ang Walk of Fame Philippines.

Text and Photos by Ricky Castillo



2 comments:

  1. Hi sir! This is Joyce from OhmyDaily.com. We've met during the Kurosawa Film Fest. I couldn't add you up on FaceBook yet since we're not allowed to use FB here in the office. I'll e-mail you sometime for a possible partnership proposal! hehe! I hope the e-mail and mobile contacts posted here is updated. Till then! See you around!

    ReplyDelete