Pages

Saturday, March 3, 2012

"BUDOY" LALABAN HANGGAN SA WAKAS

Sa nalalapit na pagwawakas ng teleseryeng kinagiliwan ng marami, na nagpa ngiti, nagpa luha, nagbigay inspirasyon at pag-asa sa marami, mapa bata man o matanda…. ang family drama series na “Budoy” ay inaasahan na mas mga kapana-panabik at makapigil-hiningang mga eksena pa ang matutunghayan ng mga manonod.

Mula ng mapanood ng marami ang teleseryeng ito na pinagbibidahan ng tinaguriang Drama Prince of the Philippine Screen na si Gerald Anderson….namulat at naging sensitibo ang maraming manonood patungkol sa mga kalagayan ng mga bata na may kapansanan katulad ng taglay ni Budoy sa drama series na ito. Maiibilang man natin sila na hindi normal tulad ng iba sa atin, magkaganonpaman silay tao pa rin tulad ng bawat isa sa atin na may damadamin din na nasasaktan at marunong ding magmahal.

Sa huling dalawang lingo ng teleseryeng Budoy, masasaksihan ng marami ang mga ibat-ibang eksena na magaganap sa pagsagip ni Budoy sa girlfriend din nyang si Jackie (Jessy Mendiola) at kapatid na si BJ (Enrique Gil) laban sa sindikato…..Maraming katanungan ang masasagot sa pagwawakas ng istoryang ito tulad ng… Ano kaya ang mga mangyayari sa pagwawakas ng teleseryeng ito? Matagumpay kayang maisalba ni Budoy si BJ at Jackie sa kamay ng mga masasama? Mabubuo pa kaya muli ang kanyang nasirang pamilya? Ilan lamang yan sa mga katanungan na masasagot sa pagtatapos ng Budoy.

 Dahil dito, inaanyayahan ang lahat na subaybayan ang huling laban ni Gerald Anderson sa “Budoy” pagkatapos ng “Walang Hanggan” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang inpormasyon, mag log-on sa www.budoy.tv, sundan ang @budoy_tv sa Twitter at i-like ang www.facebook.com/budoy.tv.     

No comments:

Post a Comment