Pages

Friday, January 27, 2012

“E-BOY” IN PRIMETIME BIDA OF ABS-CBN (JANUARY 30)

                                                                 E-BOY
Mapapanood na sa Enero 30 (Lunes) ang pinakaaabangan ng marami ang “E-BOY” sa Primetime Bida ng ABS-CBN Channel 2 pagkatapos ng TV Patrol. Ito ay pinagbibidahan ng MMFF Best Child Performer na si Bugoy Carino at iba pang mga premyadong actor na sina Valerie Concepcion, Ariel Rivera, Jomari Yllana, Jaime Fabregas, Chiggoy Alonzo at Pen Medina. Kasama rin sa teleseryeng ito sila Blythe Gorostiza, Arjo Atazde, Arme Sanchez, Akiko Solon, Bryan Santos at mga child stars na sina Maliksi Morales at Deydey Amansec.

Siguradong maantig ang mga damdamin ng marami sa bagong teleseryeng ito. Umiikot ang istoryang ito sa isang robot na nagnanais na maging tunay na bata. At kalaunan kanyang matatanto na ang pagiging tao ay higit pa sa pagkakaroon ng dugo, laman, ugat at hininga, kundi pagkakaroon ng buhay at ang buhay na iyon ay nakapaloob ang pagiging bahagi ng pamilya, pagkakaroon ng mga kaibigan at higit sa lahat ay ang pagkakaroon ng malasakit at pagmamahal sa kapwa tao.

Ang E-BOY ay sa direksyon nila FM Reyes at Nick Olanka na sya ding nagbigay sa atin ng teleseryeng Lobo at Imortal.  

                                                                 E-BOY
                                                                E-BOY
                                                         E-BOY

No comments:

Post a Comment