Wala ng makakapigil sa patuloy na pamamayagpag sa
primetime TV ng pinakapinag-uusapang de-kalibreng family drama series ng
ABS-CBN na “Ina Kapatid Anak” na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Xian Lim,
Enchong Dee at Maja Salvador. Patunay dito ang latest data ng Kantar Media
noong Lunes (Enero 7) kun
g lailan humataw ang serye bilang no. 1 over all TV program sa buong bansa taglay ang 33% national TV ratings. Tinaob ng “Ina Kapatid Anak” ang dalawang programang katapat nito sa GMA na “Aso ni San Roque” na nakakuha lamang ng 17.5% at “Pahiram ng Sandali” na mayroon lang na 16.3% na national TV ratings.
g lailan humataw ang serye bilang no. 1 over all TV program sa buong bansa taglay ang 33% national TV ratings. Tinaob ng “Ina Kapatid Anak” ang dalawang programang katapat nito sa GMA na “Aso ni San Roque” na nakakuha lamang ng 17.5% at “Pahiram ng Sandali” na mayroon lang na 16.3% na national TV ratings.
Dahil sa mainit na suporta ng TV viewers sa
kapanapanabik na kwento ng pakikipaglaban para sa karapatan nina Celyn (Kim), Liam
(Xian), Ethan (Enchong) at Margaux (Maja). Isang gabi ng katotohanan ang inihanda ng “Ina Kapatid Anak” na tiyak
na hindi palalampasin ng buong sambayanan. Sa darating na Enero 14 (Lunes),
magbubukas na ang ikalawang aklat ng serye na magtatampok sa mga pinaka-eksplosibong
rebelasyon na babago sa takbo ng buhay ng lahat. Ano ang nagging mitsa upang
isiwalat ni (Ariel Rivera) ang katotohanan tungkol sa tunay na pagkatao ni
Celyn? Paano tatanggapin ni Beatrice (Janice De Belen) ang panlilinlang ginawa
ng kanyang asawa , ina (Pilar Pilapil), at kapatid na si Teresa (Cherry Pie
Picache)? Mapipilitan bang magpakumbaba si Margaux sa sandaling malaman niya na
ang itinakwil na kaibigan na si Celyn ang tunay na anak ng mga kinikilala nyang
magulang?
Ang “Ina Anak Kapatid” ay obra ng dalawa sa mga
pinakamahuhusay na director sa bansa na sina Don Cuaresma at Jojo Saguin.
Samantala, abangan rin sa pagbubukas ng book 2 ng “Ina Anak Kapatid” ang pagpasok ng bagong
karakter sa istorya-si Diego Medina, na gagampanan ng 8th Cinema One
Originals Film Festival Awards Best Actor na si Alex Medina.
Huwag palampasin ang mas maiinit na banggaan at mas
nagliliyab na komprontasyon sa nalalapit na pagbubukas ng ikalawang aklat ng
bagong hari ng primetime, “Ina Anak Kapatid,” gabi gabi, 8:15pm,
pagkatapos ng Princess and I sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang
updates, mag log on lamang sa www.facebook/Ina
KapatidAnak.TV o sundan ang @_InaKapatidAnak sa Twitter.
(PRESS RELEASE)
No comments:
Post a Comment