Pages

Tuesday, December 18, 2012

"SI AGIMAT, SI ENTENG KABISOTE AT AKO" THE MOVIE OPENS ON DECEMBER 25, 2012 IN THEATERS NATIONWIDE





Watch out for the Bigger, Grander and more Spectacular newest movie of the team of Vic Sotto and Bong Revilla Jr. in the film “Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako” that will be shown on Christmas Day (December 25, 2012) in major theaters nationwide. This movie has a full house cast that includes Vic Sotto, Bong Revilla Jr., Judy Ann Sant
os, Sam Pinto, Wally Bayola, Jose Manalo, Amy Perez, Gwen Zamora, Aiza Seguerra, Oyo Boy Sotto, Jolo Revilla, Jimmy Santos, Ryzza Mae Dizon, Rubie Rodriguez, Barbie Forteza, Alden Richards, Jillian Ward, Dianne Median and a lot more.
Just like the previous movie of Vic and Bong, “Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako” will surely make a box-office record in the Philippine movie industry when it comes to number of awards and ticket sales. And as an official entry to the Metro Manila Film Festival for 2012, this movie, as we say in Tagalog, ay siguradong mag uuwi at tatabo ng maraming awards at pagkilala sa larangan ng pag gawa ng pelikula at pag arte.

Ang istorya ng pelikulang “Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako” ay umiikot sa ibat ibang karakter na sina Enteng Kabisote (Vic Sotto), si Agimat (Bong Revilla Jr.), Samara (Sam Pinto) at iba pang mga comic characters tulad ng mga fairies, mga dwende, kapre, mga kabayong may mga pak pak at ang kanilang paglalakbay at kanilang pag supil sa kanilang mga kaaway tulad ng mga high tech villains, mga cannibal tribes at iba pang alien monster gamit ang kakaibang makapangyarihang espada ni Agimat at ang kakatwang uri ng pakikipaglaban ni Enteng Kabisote.  
  
Tunay na mapapasaya ng pelikulang ito ang bawat manonod sa mga makapigil hininga, mga kapana panabik na mga eksena at mga kakaibang mga stunts na hindi pa natin nasasaksihan sa mga nakalipas na mga pelikula nila Vic Sotto and Bong Revilla Jr.. Hindi lang iyon, atin din natin makikita na ginastusan ng husto ang pelikulang ito na mapapatunayan natin sa mga sangkap produksyon tulad ng mga special effects na ginawa pa sa ibang bansa , ang float nila na nagkakahalaga ng isang milyon, ibat ibang location shoots sa Norteng bahagi ng Pilipinas, kakaibang sound stages format at higit sa lahat ay ang mga bigating full house cast ng pelikulang ito.   

Bagamat maibibilang natin na isang mala pantasya at out-of-this-world ang pelikulang ito at ang ilan sa mga karakter ay hindi natin makikita sa tunay na buhay, magkagayonpaman, may mga mabubuting bagay tayo na mapupulot sa panonood ng pelikulang ito katulad ng pag papahalaga sa ating kalikasan, ang aral na ang kasamaan ay hindi kaylanman mamamayani sa kabutihan at ang pagpapakita ng katapangan sa panahon ng kaguluhan na siyang ipinamalas ng dalawang bida sa pelikulang ito na sina sina Vic Sotto at Bong Revilla Jr. na mainam nating tularan.

So what are you waiting for? Inyo ng paka abangan sa nalalapit na kapaskuhan ang nalalapit na pakikipagsapalaran at paglalakbay nila Enteng Kabisote at ni Agimat sa ibat ibang sinehan sa buong Pilipinas na tunay na ikasasaya ng bawat isa at ng buong pamilya. (Ricky Castillo)



No comments:

Post a Comment